Wednesday, April 22, 2020

The Administrator and or Mr. Henry Sy October 18, Essays

The Administrator and or Mr. Henry Sy October 18, 2015 Shoe Mart Aura Building Corner 26th st. C-5 Road,BGC, Brgy.Fort Bonifacio,Taguig City Dear Sir, Greetings in Christ gracious name. I am Pastor Ramyl Fernandez,legal age and a resident of Mini Park, Zone 7,Brgy. Fort Bonifacio,Taguig City. Sa biyaya ng Diyos ako po ay isa sa mga nagmamay ari ng mga bahay dyan sa may ibaba ng SM Aura Building. Sa totoo lang po,ang bahay po naming nasa gilid na ng kanal ay isa po sa naperwisyo nang lumaki na ang volume ng tubig na dumaloy tungo doon sa ibaba likha ng pagkabago ng mga daluyan diyan sa itaas dahil sa pagkakaroon ng SM Aura building.Pwede po kayong mangatwiran ng kung anu ano,pero di po ako makikipagkatwiranan pa.Maaaring indirect ang epekto sa amin,ngunit sa totoo lang sa pagkatayo ng SM Aura building ay talagang napinsala kami ng aking pamilya sa baha, lalo na noong mga unang buwan ng tag ulan after maitayo ang SM Aura building.Syempre wala po akong choice kundi ayusin sa sarili kong gastos,or else tiniis nalang namin ang baha, pero talagang grabe ang panalangin ko noon kung saan kukuha ng gagastusin,pero sa biyaya ni Lord,natugunan din at sa dahan dahan ay nahanapan ng paraan pero kulang kulang 80 thousands ang nagastos ko suma total.Alam kong barya lang po yan kay Idol Mr.Henry Sy,pero sa tulad ko mahirap na hagilapin yan. Sumulat po ako noon sa nasirang Kapitan Wilfredo Sayson,ngunit kinamatayan nalang niya ay di pa natugunan ang aking ipinaaabot sa SM Aura Management.Pero one month bago siya pumanaw ay nakapangako pa yon sa akin na kanyang ipaaabot sa SM Aura Mangement.Inisip ko noon na naipaabot na nya kaya naghihintay ako,pero wala namang kahit sinong kinatawan mula sa SM Aura na nagpasabi kaya inisip kong malamang di niya naipaabot sa pamunuan ng SM Aura. Nitong huli ay nalaman kong pati yaong mga may ari ng nasa pinakagilid na mga bahay ng sakop ng SM Aura building ay ipinabayaran pa ni Idol Mr. Henry Sy ng danyos perwisyos na kung tutuusin wala naman talagang pinsalang nalikha sa kanila ang SM Aura.Sa totoo lang po mas may karapatan akong magdemand ng danyos perwisyos kaysa kanila. Naka move on na po ako sa gastusan sa biyaya ni Lord.Wala na po akong demand na anuman,pero sana naman,kung binayaran yong mga di totoong napinsala,sana naman nagsuring maigi ang inyong mga kinatawan dito sa ibaba sa totoong napinsala.Ang layunin ko po sa liham na ito ay upang ipagbigay alam sa pamunuan ng SM Aura o kay Idol Mr. Henry Sy mismo ang mga bagay na ito.Pero kung sakali mang ilihim nyo nalang kay Idol Mr.Henry Sy,ay wala rin po akong choice kundi kay Lord Jesus nalang aasa. Salamat po sa pagbigay pansin.God bless you po. TrulyRespectfully Yours, Pastor Ramyl Fernandez The Administrator Shoe Mart Aura Corner 26th st. C5 road,Bonifacio Global City Brgy.Fort Bonifacio,Taguig City

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.